Ito anila ay bilang pagpupugay na sa tila nalimutan nang mga bayaning biktima ng martial law, silang na salvaged at pinahirapan tulad nina Ben Dizon, Pio Rivera, Obet Rivares at marami pang iba. Silang mga nagbuwis ng buhay dahil sa paghahangad ng pagbabago ng bulok na sistema sa panahon ng diktadurang Parcos.
Mahalaga din anilang balikan ang mapapait na karanasan ng martial law para mapaghalawan ng aral hindi lamang ng mamamayan kundi lalo’t higit ng mga awtoridad, sundalo, pulis at iba pang tagapagpatupad ng batas. At upang makita ang ibang anyo ng batas militar na umiiral sa kasalukuyan katulad ng pagdukot at pagpaslang, militarisasyon sa mga Barangay, at Development aggression project. (Arnel M. Turzar)
Comments
Post a Comment