Presyo ng isda sa pamilihang bayan ng Baler, bumaba, gulay, taas baba

Bumaba ng halos P20.00 ang presyo ng isda habang P10.00 naman ang itinaas ng gulay sa pamilihang bayan ng Baler.

Naglalaro nalang ngayon sa halagang P80.00 hanggang 140 ang kada kilo ng isdang dagat kumpara sa dati nitong presyo na P100.00 hanggang P160.00 depende sa klase katulad ng Buraw, Tangigue, Yellowpin, Tulingan, Galunggong at Dalagang-bukid.

Naglalaro na man sa halagang P30 hanggang P80 ang kada kilo ng gulay kumpara sa dating presyo nito na naglalaro sa halagang P20 hanggang P70 ang kada kilo katulad  ng Sayote, Okra, Repolyo, Carrots, Baguio Beans, Patatas, Ampalay, Bawang at Sibuyas.

Bumaba naman ng P10 kada kilo ang Petsay Baguio at Kamatis na dati ay P40 hanggang P60, ngayon ay naglalaro nalang ito sa P30 hanggang P50. (Arnel M. Turzar/Melanie Hugo)

Comments