Muli na namang nakaranas ng
pagbaha kahapon (Sept. 9) dakong alas-11:43 ng umaga ang Purok Yakal 2,
Barangay Paltic, Dingalan, Aurora dahil sa halos kalahating oras na walang
hupay na pagbuhos ng ulan.
Ayon sa isang residente sa
nasabing lugar na si Gng. Menchie Delos Reyes David, matagal nang suliranin ang
pagbaha sa kanilang lugar kahit na wala namang sama ng panahon. Basta aniya tumagal
ng halos kalahating oras ang pagbuhos ng ulan, asahan ang ganitong pagbaha.
Reklamo nila na kaya umaapaw
ang tubig dahil sa hindi maayos na daluyan ng nito. Mayroon naman anilang
imbornal, subalit hindi naman umano nito kaya ang volume ng tubig na
nanggagaling sa kabundukan.
May maliliit na kanal din
umanong ginawa ang Department of Public Works and Highway (DPWH) subalit lalo
lamang anila itong nakakasama sa daloy ng tubig dahil napupuno ito at umiikot
pabalik ang tubig papunta sa mga kabahayan.
Kaya naman, panawagan nila
sa mga ahensyang nakakasakop sa ganitong suliranin, lalo na sa Lokal na
Pamahalaan ng Dingalan na aksyonan ito at gawan ng paraan sa lalaong madaling
panahon.
Comments
Post a Comment