Qualified Theft ang isinampang kaso sa Provincial
Prosecutors Office sa Barangay Suklayin, Baler, Aurora noong Lunes (Sept. 2) laban
sa limang suspek na sina Teodorico Armanda y Carrasco, 71 taong gulang; Daisy
Lanillo y Armanda, 47 taong gulang; Jonathan Armanda y Abrero, 43 taong gulang;
Armie Armanda y Abrero, 31 taong gulang; at Regie Macabontoc y Seradoy, 33
taong gulang, kapwa mga residente ng Barangay Diarabasin at North Poblacion,
Dipaculao, Aurora.
Base sa report ng Dipaculao PNP, umaga noong August 31,
2013 dinakip nila ang lima makaraang makatanggap sila ng tawag mula sa Mrs.
Valeriana S. Fabrigas na nagpitas ng bunga ng niyog ang mga ito sa loob ng
lupang pag-mamay-ari umano ni Mrs. Rosita Tan y Abrero sa Sitio Dibunnong,
Barangay Diarabasin.
Agad na nagtungo sa lugar ang mga otoridad para alamin
ang nasabing report sa pangunguna ni SPO4 Julito V. Tangson-MESPO, at aktong
nakita ng mga ito ang pinitas na niyog ng mga suspek na umabot sa may 1,500
piraso na nagkakahalaga ng Php. 9,000.
Comments
Post a Comment