Sapat ang bigas sa Aurora

Tiniyak ng National Food Authority (NFA) Aurora Provincial Office na may sapat na imbak ng bigas ang lalawigan na umabot sa halos 80,000 kaban na tatagal ng 52 araw o halos dalawang buwan sa pangangailangan ng buong lalawigan.

Ang lahat ng magtitingi o NFA accreditation outlet ay maaaring bumalik o bumili sa NFA ng dalawang beses kada isang linggo kung meron “demand” o kawalan ng bigas sa pamilihan upang higit na matugunan ang pangangailangan sa NFA rice ng mga consumer.

Sinabi ni Gerry J. Ambrosio ang Panlalawigang Tagapangasiwa ng ahensya, nagtalaga na sila ng mga grupo na Binubuo ng mga empleyado ng NFA na magbabantay o mag-iinspection  mula Lunes hanggang Linggo sa lahat ng pamilihan ng Aurora, lalo’t higit mga magtitingi ng bigas, upang matoyak na may NFA rice na ibinebenta sa mga palengke. (Arnel M. Turzar)

Comments