Walang overpricing sa NFA Rice

Mahigpit na binabantayan ng National Food Authority ang mga accreditation outlets ng NFA sa lalawigan Aurora. Ang NFA sa lalawigan ay nagbebenta ng bigas sa NFA accreditation outlets na may release price na P24.00 kada kilo P1,200.00 kada kaban na ibinebenta sa mga mamimili sa halagang P26.00 kada kilo at P26.00 kada kilo na nagkakahalaga ng P1,300.00 kada kaban na ibenebenta naman sa halagang P28.00 kada kilo.

Tinukoy ni Panlalawigang Tagapangasiwa ng ahensya Gerry J. Ambrosio, ang klase ng bigas na ito sa Commercial outlet ay may katumbas na halagang P30.00 hanggang P32.00 kada kilo o P1,600.00 kada isang kaban sa pamilihan.

Ang pangasiwaan ay nagpaskil na ng mga listahan ng NFA Accreditation Outlet sa lahat ng Public Market at nagbigay ng kopya nito sa mga Municipal Mayor ng lalawigan para sa kanilang karagdagang impormasyon. Sila ang mga awtorisadong magtitingi ng NFA rice kung saan ay makakabili ng bigas sa presyong suportado ng pamahalaan. (Arnel M. Turzar)

Comments