Masiglang
ipinagdiwang ng daan-daang mga Layko,
Taong Simbahan, institusyon at mga organisasyon ang paglulunsad ng “Book 400
Years”, noong Biyernes (Nov.15, 2013) sa Bayan ng Baler, Aurora.
Ang “aklat” ay
pinamagatang “sa Dugo at Tubig” na nilimbag sa pangunguna nina Ginoong Diego
Quejada, Jim Schorsch, Josepina Marino, Mariano Quiňones, Sister Alicia
Castillo, Rev. Fr. Andres Lumasac, Bernardo Marino Sr., Mercedes delos Santos,
Rev. Fr. Nilvon Co Villanueva, Alfonso van Zijl, Celeste Gimena, Noli Guerrero
at Christie Sarmento-Clavero.
Bilang bahagi
ng programa bago ang pormal na paglulunsad ng aklat, nagkaroon muna ng
pagdiriwang ng Banal na Misa sa Parokya ni San Luis Obispo na pinamunuan ng mga
Kaparian sa Valley-Ding sa pangunguna naman ni Rev. Fr. Mario Establisida.
Matapos ang
Misa, sumunod na ang pormal na paglulunsad ng aklat, sa Covered Court ng Mount Carmel College Baler. Dito
nagbigay ng mensahe sa pamamagitan ng video presentation sina Bishop Emeritus
Julio Xavier Labayen at Archbishop Rolando J. Tria Tirona, ganoon din sina Fr.
Nilvon Co Villanueva, Fr. Andres Lumasac at si Ginoong Diego Quejada at Fr.
Mario Establisida, isang tula naman ang ipininamalas ni Ginoong Mariano
Quiňones.
Matapos ang
mga mensahe, ginawaran naman ng sertipiko ang mga nagsikap at naging kabahagi
sa pagbubuo ng makasay-sayang aklat.
Comments
Post a Comment