Youth Forum on Climate Change – CC-CBA

Matagumpay na naisagawa ang Youth Forum on Climate Change noong biyernes, (Nov.29) sa Sentro Baler, Bayan ng Baler, Aurora.

Ang nasabing Youth Forum na may temang “Kabataan ng Aurora: kasama sa pagpapalakas at paghahanda ng komunidad laban sa banta ng Climate Change” ay dinaluhan ng halos 200 na mga Out of School Youth mula sa Bayan ng Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora at Baler. 

Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Save the Children CC-CBA Project, Provincial Social Work and Development Office (PSWDO), Pag-asa Youth Association (PYAP) at sa pakikipagtulungan sa apat na pilot municipality ng CC-CBA Project. Layunin ng Youth Forum na mabuo ang mga Out of School Youth at matuto tungkol sa Climate Change o pagbabago ng panahon. 

Dumalo sa nasabing forum si Gov. Gerardo “Gerry” Noveras. Hinikayat nito ang mga kabataan na makinig ng mabuti at h’wag mahiyang magtanong sa mga speakers upang higit na maunawaan ang paksang tatalakayin. Nagpakita din ng suporta ang mga kawani ng MPDC at MDRRMC ng apat na bayan na sakop ng CC-CBA Project. 

Tinalakay sa youth forum ang kahalagahan ng paghahanda ng mga kabataan at kanilang komunidad sa tuwing may sasapit na kalamidad katulad ng bagyo, storm surge at lindol. 

Pinaliwanag din ng taga Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) - DOST ang kahalagahan na malaman ang banta ng bagyo at mga panganib na dulot nito. 

Nagtapos ang Youth Forum sa pamamagitan ng Concert kung saang limang banda ang naimbitahan na tumugtog at magbigay kasiyahan sa mga kabataang kalahok. (CC-CBA & Arnel M. Turzar)

Comments