Nakikipagkaisa
at pakikipagtulungan sa mga programa ng Barangay. Ito ang isa sa pinagtutuunan
ng pansin ng mga kasundaluhan at miyembro ng Citizen Armed Force Geographical
Unit (CAFGO) sa lalawigan ng Aurora, sa ilalim ng pamumuno ni Capt. Niel Fedrito
Carolino, commanding officer ng Bravo Coy. 70th Inf. “ CADRE”
Battalion.
Patunay dito, noong
nakaraang ika-14 ng Enero, 2014, nakiisa sa isinagawang lean and Green program
ang isang Squad ng CAFGO na nakabase sa Barangay Simbahan Detachment sa
Dinalungan, Aurora.
Pinangunahan
si Sgt. Sawit ang tropa sa paglilinis sa paligid ng Barangay Dibaraybay sa
naturang Bayan, kaisa ang mga Barangay Kagawad, Barangay Tanod, BHW at mga
Barangay Leader.
Nagpasalamat naman
si Kap. Procolo Moral ng Dibaraybay sa mga miyembro ng Bravo Coy. sa
pakikipagkaisa sa kanilang isinusulong na mga programa.
Samantala noong
Sabado, (Enero 25, 2014) pinangunahan naman ni Sgt. Miguel Loneza, 1st
Sgt. Ng Bravo Coy. 70 Inf. “CADRE” Battalion na nakabase sa Barangay Calabuana,
Baler, Aurora, ang pag-aatag sa Barangay ng San Isidro, San Luis, Aurora.
Ang paglilinis
ay ginawa sa daang patungo sa Sitio Baliktawak sa nabanggit na Barangay at nang dakong hapon naman ay ang paglilinis at
pagsasaayos ng garden ng barangay ang kanilang ginawa.
Ang naturang
gawain ay inisyatiba naman ng Barangay Capt. Melba Everio, katuwang ang mga
Barangay Official, BHW, at sina Naty Ariola at Yolly Bendecio.
Comments
Post a Comment