Kasabay ng isasagawang
Committee Hearing bukas, ika-8 ng Mayo 2014, sa Bayan ng Casiguran, Aurora, magsasagawa rin ng
kilos protesta ang grupo ng Anti-APECO o Aurora Pacific Economic Zone and Freeport
Authority sa naturang bayan.
Inaasahang aabot
sa mahit 300 katao mula sa mga barangay ng Culat, Cozo, San Ildefonso, Esteves at
Barangay Dibet na pangunahing apektado ng naturang proyekto ang sasama sa kilos
protesta.
Ganap na ika-1
ng hapon, maglalakad ang mga ito patungo sa Municipyo ng Casiguran mula
sa kanilang assembly point sa Agricula covered court.
Nais ng grupo
na makiisa at question-nin ang isasagawang Cozo to San Ildefonso road para
linawin ang naturang proyekto.
Nais din
nilang malaman kung ang proyekto ay isasagawa ng LGU o ng APECO.
Sakali umanong
APECO ang magsasagawa nito para sa pagdevelop ng proyekto, mariin itong
tututulan ng grupo.
Nais din ng
grupo na ang Local Government Unit ng Casiguran ang magsagawa ng naturang kalsada.
Ang isasagawang
kilos protesta ay inorganisa at pangungunahan ng Pinag-isang Lakas ng mga
Samahan sa Casiguran o PIGLAS-CA (Arnel M. Turzar)
Comments
Post a Comment