Nagsagawa
ng pamamahagi ng mga school supplies ang mga tauhan ng Aurora Provincial Public
Safety Company APPSC sa pangunguna ni Police Superintendent Reynante D, Pitpitan- Company Commander, ng
mga gamit sa eskwela para sa mga munting mag aaral ng elementary.
Tinawag
ang programa na “A pencil and Paper For School Children” na nag lalayong
matulungan ang mga mag aaral sa mga lib-lib na lugar sa lalawigan na malayo na mismo sa mga kabayanan.
Isa
sa mga nabahaginan ng mga lapis at papel ay ang mga mag aaral ng Sitio Cabug Elementary School sa Brgy Matawe
Dingalan Aurora.
Suporta
rin ito mula sa hanay ng mga kapulisan para sa mga batang walang sapat na
kakayanan upang suportahan kahit na ang mga simpleng kagamitan sa pag aaral.
Lubos
naman ang naging pasasalamat ng mga guro, punong guro, at mga magulang ng
nasabing paaralan sa tulong na ipinagkaloob ng APPSC.
(SPIRIT FM NEWS)
Comments
Post a Comment