Namahagi
ng calling cards at IEC materials ang mga tauhan ng Baler PNP, sa mga residente
ng Brgy Reserva Baler Aurora.
Ito
ay naglalayong mabigyan ng sapat na impormasyon ang mga mamamayan sa mga dapat
gawin at tips kontra salisi lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan.
Kaugnay
nito, bumista rin ang mga kapulisan sa Aurora Natonal High School upang
talakayin ang kahalintulad na gawain, pag iwas sa ano mang uri ng krimen,
maging ang pang aabusong pisikal at pananakit sa mga kabataan bilang bahagi ng
pag gunita sa Violence Against Women and Children.
Sa
pamamagitan ng maigting na kampanya at programang ito ng kapulisan sa buong
lalawigan, inaasahan naman ng tanggapan na mababawasan na ang mga kahalintulad
na kaso na idinudulog sa ahensiya.
(Spirit
FM News)
Comments
Post a Comment