HUMAN RIGHTS DAY ISASAGAWA NGAYONG ARAW SA BAYAN NG BALER



Matagumpay na isinagawa kahapon ang pagdiriwang sa karapatang pantao, kung saan nag sasagawa ng isang programa  sa pangunguna ng Multi Sectoral Action Group MSAG at Bikaryato  ng Valley-Ding na ginaganap sa Evacuation Center, Sitio Setan Brgy Suclayin Baler Aurora.

Layon ng nasabing gawain na maipa mulat sa mga mamamayan ang kahalagahan ng pag tataguyod at pag tatanggol sa mga batayang karapatang pantao, ayon sa makataong batas na pinaiiral sa daigdig at sa bansa.

Naka sentro ang nasabing programa ngayong taon sa tema nitong  Karapatang Panlipunan, Itaguyod at Ipaglaban Para Makamtan”, kung saan nag lalayong ilahad ang mga kalagayan ng pag laban sa karapatan na naganap sa lipunan.

Bago ang programa, nagsagawa muna ng isang parada ganap na ika walo ng umaga mula sa simbahan ng Sn Luis Obispo Parish ng Baler.

Ang  Human Rights Day ay isinasagawa tuwing ika 10 ng Disyembre na sabayang ipinagdiriwang sa buong mundo.
(SPIRIT FM NEWS)

Comments