LIVELIHOOD KIT PARA SA MGA MAGTATAPOS NG STEP NAKATAKDANG IPAMAHAGI NG TESDA

Nakatakdang ipamahagi ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), ang livelihood kit para sa mga magsisipag tapos sa Special Training for Employment Program o STEP.

Mga gamit sa manicure at pedicure set, hair and make up, massage, aportable oven at marami pang iba  ang nakatakdang ipagkaloob sa mga ito.

Isasabay na sa graduation day ng mga nagsanay sa technical at vocational courses, na isasagawa ngayong darating na araw ng Sabado ika 5 ng Nobyembre 2015 sa Lyceum of The East, Brgy Florida Ma. Aurora Aurora.

Ayon sa Dean of College ng Lyceum, tinatayang aabot sa  humigit kumulang isang libong mga magsisipag tapos ngayong taon,ang mula pa sa ibat-ibang bayan sa lalawigan ng Aurora.

Inaasahang dadalo sa nasabing gawain ang Regional Director ng TESDA Region 3 na si Theodore Gatchalian at former secretary ng TESDA na si Joel Villanueva, kasama ang ilang opisyal ng bawat bayan.
(Spirit FM News)

Comments