Mga bagong Programa ng Dipaculao PnP, Ikinatuwa ng ma Guro sa bayan ng Dipaculao



Ikinatuwa ng mga guro ng bayan ng Dipaculao Aurora ang mga Bagong Programa ng Dipaculao PNP sa pangunguna ni PSINS Ferdinand Usita  upang mabawasan at tuluyang maubos  ang mga kabataan na nasasankot sa mga ilegal na gawain at mga gumagamit ng mga pinag babawal na gamot. 

ang bagong programang   ADING-KU (Ayaw ng Dipaculao sa Ipinagbabawal na Gamot at Kriminalidad upang Umunlad)

Ayon kay  School Principal Marivic Faro, na malaking tulong sa mga kabataan ang mga bagong Programa ng Dipaculao PNP na inululunsad sa mga Paaralan sa kanilang Bayan.

Mas nahuhubog daw ang kaisipan ng mga bata  sa mabuting asal,upang hindi gumawa ng mga iligal na gawain.

Marami daw sa mga kabataan ngayon ang  nalululong sa droga at nasasangkot sa iligal na gawain dahilan sa hindi nasubaybayan ng mga magulang sa sobrang kakulitan. 

Pahayag naman ni Usita na nabawasan na ang mga kabataang nasasangkot sa mga iligal na gawain simula ng mag lunsad ang kanilang tangapan ng mga bagong programa na makakatulong sa mga kabataan at mabilis naring nahuhuli ang mga nasasangkot sa iligal na gawain. 
(SPIRIT FM NEWS)

Comments