MGA BAKA AT KALABAW, IPINAMAHAGI NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG AURORA



Nagkaloob ang Pamahalaang Panlalawigan ng Aurora, sa ilalim ng Tanggapan ng Panlalawigang Beterinaryo ng mga babaeng  baka at kalabaw sa pamamagitan ng Dispersal Program, para sa mga napiling benepisyaryo.

Ito ay bilang pantulong Kabuhayan para sa mga benepisyaryo mula sa bayan ng Baler, Sn Luis, Ma. Aurora, Dipaculao Dingalan, Dinalungan, Casiguran at Dilasag.

Layon ng nasabing programa, na mapataas pa ang lahi ng mga katutubong baka at kalabaw sa lalawigan, upang magkaroon ng karagdagang mapag kakakitaan sa pamamagitan ng pag aalaga ng mga ito.

Ayon sa tanggapan ng Provincial Veterinary Office, tugon rin ito sa kakulangan ng karne ng baka at kalabaw sa lalawigan, maliban pa sa dami ng gatas na makukuha sa mga ito kumpara sa mga katutubong baka sa lalawigan.

Tinatayang nasa 72 ang kabuuang naipamahaging baka sa may 8 bayan ng Aurora, habang nasa 20 naman ang bilang ng mga ipinamahaging kalabaw, na pinondohan ng 4 na milyong piso ng Pamahalaang Panlalawigan at Provincial Veterinary Office.
(Spirit FM News)

Comments