PAG BABAGO NG SISTEMA SA PAG KUHA NG FRANCHISE NG TRICYCLE SA BAYAN NG BALER NAIPASA NA SA COMMITTEE ON WAYS AND MEANS
Naipasa na sa sa Committee
on Ways and Means at Transportation, ang proposal para sa pag babago sa pag
renew ng sistema hinggil sa pag kuha ng Franchise ng mga tricycle sa bayan ng
Baler.
Sa
proposed system na isinulong mga konsehal, gagawin ng 450 pesos ang
registration fee kada tatlong taon.
Nagsagawa
narin ng diskusyon o pag uusap ang joint committee hinggil dito at kasalukuyan
paring pinag aaralan.
Kaugnay
nito, mas mainam na tingnan ayon kay Baler vice mayor Karen Angara-Ularan, ang
isyu na kung bakit hanggang sa kasalukuyan ay nasa 70% lamang ang nag renew
ngayong taon. At ito anya ay dahil sa pag papatupad ng batas sa pag huli ng mga
kolorum na tricycle.
Naghain
narin anya ng proposed amendment na ibalik sa MTFRB ang kontrol sa panghuhuli,
ngunit ito ay patuloy na dinidinig pa sa SB Committee on Transportation.
Ang mga
fees din anya na ibinabayad ng mga tricycle operators at drivers ay napupunta
naman sa general fund ng LGU Baler.
Sa
huli ayon sa bise alkalde, ay kailangan
na tulungan ang mga legal na tricycle operators na sumusunod sa tama at
lumalaban ng patas.
(Spirit FM News)
Comments
Post a Comment