Inirereklamo
ng mga mananakay, mamamayan at pasahero ng pam publikong tricycle sa bayan ng
Baler ang ilang pilahan ng TODA sa pag susugal ng mga driver nito habang nag
hihintay ng pasahero.
Ayon
sa isang concern citizen, madalas ang ganitong gawain, at halos pangkaraniwang
libangan na lamang ito, na makikita pa mismo kahit sa gilid ng kalsada o
highway.
Paglalaro
ng baraha at kara krus ang kadalasang palipasan ng oras ng ilang pasaway na
driver.
Lantaran
din ang pustahan na tila ba hindi alintana, na mahigpit itong pinag babawal.
Dahil
dito, nananawagan ngayon ang mga concern citizen, na sana ay mabigyan ito ng
pansin, aksyon at solusyon dahil ito anila kanais-nais na gawain at pangitain
partikular sa mga mag aaral na estudyante na madalas sumasakay sa mga pam
publikong tricycle.
Minabuti
naman ng Spirit FM News na hindi na muna tukuyin pa ang mga inirereklamong paradahan,
habang hinihingi pa ang opinyon ng mga kinauukulan hinggil dito.
(Spirit FM News)
Comments
Post a Comment