Nasa
68% na sa ngayon ang isinasagawang pag sasaayos ng linya at poste ng kuryente
sa bahagi ng DICADI area ayon mismo sa Aurora Electric Cooperative AURELCO
kahapon.
Ayon
sa tanggapan, bagamat naka uwi na ang ibang kooperatiba mula sa Task Force
Kapatid - Region 3, ay nagpapatuloy parin ang pag kukumpuni ng AURELCO sa mga
natitirang gawain, upang tuluyan ng magkaroon ng ilaw ang ilan pang brgy at
bayan na hindi parin naaabot ng supply ng kuryente.
Nagpasalamat
ang kooperatiba sa lahat ng tumulong, upang ma rehabilitate ang mga napinsalang
linya dahil sa bagyong Lando.
Kaagad
naman na isusunod ang mga coastal brgy, sa bayan ng San Luis Aurora.
(Spirit FM News)
Comments
Post a Comment