Ipapamahagi
na anumang araw ng Municipal Social Welfare and Development
office MSWDO Baler ang ayuda para sa mga
nasalanta ng bagyong lando sa bayan ng baler sa pangunguna ni Baler Municipal
Mayor Nelianto Pilot Bihasa.
Ayon
kay MSWDO Officer Yolanda Angara, na Pinondohan na aniya ng kanilang tangapan
ng P75M ang pag bigay ng ayuda sa mga lubhang nasalanta ng bagyong lando.
Tatangap
naman aniya ng P30,000 ang bawat pamilya na lubhang nasalanta ng bagyo at
P10,000 naman ang matatanggap ng pamilyang bahagyang nasira ang bahay, lininaw
naman nito dapat sariling lupa o lote
ang kinititirikan ng bahay upang mabigyan ng tulong, kung hindi naman aniya sariling lupa ang
kinatitirikan ng bahay , dapat daw may kasunduan ang may ari ng lote at ng
nakikitirik ng bahay. , dag dag nito na
may programa din aniya ang kanilang
tanggapan ng Cash For Work bilang tugon sa mga pamilyang walang sapat na pag
tratrabaho.
(SPIRIT FM NEWS)
Comments
Post a Comment