FEEDING PROGRAM PARA SA MGA MAG AARAL NG ELEMENTARYA SA ILANG PAARALAN SA BAYAN NG MA. AURORA AURORA ISINAGAWA NG MGA TAUHAN NG APPSC
Matagaumpay
na nagsagawa ng feeding program ang mga tauhan ng Aurora Provincial Public
Safety Company APPSC, sa mga mag aaral ng elementarya sa bayan ng Ma. Aurora Aurora.
Alas
2:00 ng hapon araw ng Lunes sinimulan ang nasabing gawain, sa Dimutol
Elementary School sa Sitio Dimutol, Brgy Dianawan ng nasabing bayan.
Sa
nasabing aktibidad, nabahaginan ang nasa humigit kumulang 100 na batang mag
aaral para sa feeding program.
Kasabay
nito, namahagi rin ng bibliya ang mga ito sa mga mag aaral ng grade 4 at 6, kung
saan nasa 30-40 bata ang nabigyan.
Ito
ay sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Superintendent Reynante D. Pitpitan- Company
commander, at ang mga tauhan ng 1st
Maneuver Platoon sa pamumuno naman ni Police Inspector Ricky J. Rabor-platoon
leader.
Samantala, sa nasabing gawain, naging sponsor
ang Gideons International-Aurora Camp.
(Spirit FM News)
Comments
Post a Comment