LIBRENG SURGICAL MISSION MULA SA TANGGAPAN NI CONGW. BELLA ANGARA- CASTILLO ISASAGAWA NGAYONG BUWAN NG PEBRERO
Nakatakdang
magsagawang muli ng libreng surgical mission para sa major at minor surgeries ngayong
darating na ika 26 hanggang ika 27 ng Pebrero 2016, na isasagawa sa Aurora
Memorial Hospital (AMH) Brgy Reserva Baler Aurora.
May
nakalaang 40 slots para sa major surgeries, habang may 70 slots naman sa minor
surgeries, kasama na ang Suture of
Lacerations o (Pagtatahi ng mga nakabukang sugat), ligation, at marami pang
iba.
Ito
ay bukas para sa lahat ng mga kalalawigan, na nais mag pa opera ng libre,
ngunit kailangan lamang na ang pasyente ay may medical clearance, laboratory
test, gaya ng ECG, X-ray, at ultrasound, depende sa ipapa opera.
Kinakailanagn
din na pumunta muna sa mga doctor kung saan galling ang isang pasyente, na ang
mga gastusin para sa nasabing medical clearance ay sagot mismo ng mga ito.
Isasagawa ang mga nabanggit na operasyon sa pangunguna
ni Dra. Joy Angara Castillo Fontanilla mula sa ST. LUKES MEDICAL CENTER.
Samantala,
ang nasabing proyekto, ay laan ng tanggapan ni congresswoman Bellaflor Angara
Castillo, sa pakikipag tulungan ni governor Gerardo A. Noveras, vice governor
Rommel Teh –Angara, at Baler vice mayor Karen Angara.
(Spirit FM News)
Comments
Post a Comment