Nagsagawa
ng Symposium Seminar at pamamahagi ng kaalaman ang mga tauhan ng Aurora Public
Safety Company APPSC, hinggil sa Republic Act 10627 or Anti-Bullying Act of
2013 para sa mga mag aaral ng Mijares National High School.
Ito
ay pinangunahan ni Police Superintendent Reynante D. Pitpitan-Company
commander.
Layon
ng nasabing gawain na pangalagaan ang mga karapatan ng mga kabataan, makapag
bigay ng sapat na impormasyon upang mas mapalawak pa ang kaalaman ng mga ito,
hindi lamang sa usapin ng Anti Bullying, maging ang hinggil sa Republic Act
9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Maliban
sa mga ito, tinalakay rin sa nasabing gawain ang Republic Act 9344 o Juvenile
Justice Welfare Act.
(Spirit
FM News)
Comments
Post a Comment