TOWN WIDE TREE PALNTING ISINAGAWA NG MGA TAUHAN NG AURORA PROVINCIAL PUBLIC SAFETY COMPANY APPSC

Nagsagawa ng Townwide Tree Planting nitong araw ng Linggo, Enero 24 2016, ang mga tauhan ng kapulisan mula sa Aurora Provincial Public Safety Company APPSC mula sa Camp Ravena, Brgy Sabang Baler, na pinamumunuan ni Police Superintendent Reynante D. Pitpitan-Company Commander.

Ang pag tatanim ng mga puno ay isinagawa sa Brgy Sn Juan Ma. Aurora Aurora, upang bigyang tugon ang  mga naranasang kalamidad ng lalawigan gaya na lamang ng bagyong Lando at Nona,na kung saan nag iwan ng malaking pinsala hindi lamang sa mga ari-arian at  kabuhayan, kundi maging sa kapaligiran.

Sa pamamagitan ng nasabing gawain, nag kaisa at nagsama-sama ang mga kapulisan upang bigyang daan ang adbokasiyang pangangalaga sa likas yaman.

Dumalo rin sa nasabing gawain ang mga miyembro mula sa 1st Maneuver Platoon sa pamumuno ni PINSP Ricky J. Rabor.


Samantalang nagsilbi namang sponsor sa nasabing aktibidad ang Saint Nicolas Microfinance.
(Spirit FM News)

Comments