CRIME RATE SA BAYAN NG SN LUIS AURORA BUMABA NG 36% AYON SA ALKALDE NG NASABING BAYAN

Bumaba ng halos tatlumput anim na porsiyento (36%) ang crime rate sa bayan ng Sn Luis Aurora bunsod ng mas pinaigting na Lambat Simbat ng Philippine National Police PNP sa nasabing bayan.

Ito ang buong pag mamalaking tinuran ni mayor Annabelle Tangson, sa panayam ng Spirit FM News.

Anya, ang kanilang bayan ay pangalawa pagdating sa may pinaka mababang antas o insidente ng kriminalidad sa lahat ng bayan sa buong lalawigan ng Aurora, at isa rin sa may pinaka tahimik na lugar.

Dahil dito, lubos ang naging pasasalamat ng alkalde sa kanyang mga mga mamamayan dahil sa patuloy na suporta sa mga programa ng Pamahalaang Bayan.


Ito anya ay naisakatuparan sa pamamagitan ng maigting na pag papatupad ng batas sa pangunguna  ng kapulisan pagdating sa peace and order.
(Spirit FM News)

Comments