PAMAMAHAGI NG FLYERS HINGGIL SA ANTI HAZING ACT-ISINAGAWA NG MGA TAUHAN NG AURORA PROVINCIAL PUBLIC SAFETY COMPANY

Nagsagawa ng pamamahagi ng flyers ang mga tauhan ng Aurora Provincial Public Safety Company APPSC, sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Senior Inspector Bartolome A. Antolin - assistant Company commander.

Ibinahagi ng mga tauhan nito ang mga IEC materials hinggil sa Republic Act 9344, o Juvenile Justice  Welfare Act of 2006, at  Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Layon ng nasabing gawain, na maiparating ang sapat at tamang impormasyon hindi lamang sa mga mag aaral, kundi ang mabigyang gabay ang publiko sa mga pangunahing suliranin ng komonidad, partikular na ang usapin sa pag babawal at pag iwas sa illegal na droga.

Maliban dito, patuloy rin ang kampanya ng kapulisan hinggil sa Safe and Fair Election 2016.

Sa masusing kampanya hinggil dito, umaasa naman ang PNP, na maiiwasan ang ano mang uri ng karahasan o krimen.


Isinagawa ang nasabing gawain sa bahagi ng Aurora State College of Technology ASCOT, Brgy Zabali Baler Aurora.
(Spirit FM News)

Comments