TRANSFORMATION PROGRAM-PERFORMANCE GOVERNANCE SYSTEM (ITP-PGS), SOLUSYON SA EPEKTIBONG SERBISYO NG PULISYA SA BAYAN NG DINGALAN AURORA

Epektibo at kaaya-ayang serbisyo ng pulisya.

Ito ang isa sa mga pinag tutuunan ngayon ng pansin ng Dingalan PNP, sa pangunguna ni Police Inspector Desiree S. Buluag, Dingalan OIC Chief of Police.

Dahil dito, Isasaayos ng isang Municipal Advisory Council o (MAC), isang multi-sectoral na kumakatawan upang I institutionalize ang Integrated Transformation Program-Performance Governance System (ITP-PGS)
Sa pangunguna ng PNP, layunin nito na gabayan at tulungan ang mga isyu o usapin sa pag papatupad ng ITP-PGS 2030, o ang Philippine National Police Peace and order Agenda para sa Transformation at upholding ng Rule-of-Law.

Sa nasabing programa, kinakailangan din ng suporta ng pamayanan sa pag tugon sa mga usapin ng kriminalidad upang mas mapadali ang pag bibigay ng solusyon at aksyon, na parehong responsibilidad ng publiko at mga kapulisan.


Samantala, layon naman ng Municipal Advisory Council (MAC), ay upang magkaroon ng permanenteng women desk sa bawat brgy ng nasabing bayan.
(Spirit FM News)

Comments