Pinag-tatangal na ang 12 Flower Box sa Brgy Dimanpuso Maria Aurora na naging ambag ng Grupo ng Kababaihan sa
kanilang Brgy nuong taong 2013.
Sa panayam ng Spirit fm news sa miyembro ng
kababaihan na hindi na nag pabangit ng pangalan, sumama ang kanilang loob ng siraiin ang flower box na
naging ambag nila sa kanilang brgy na tanda sana ng kanilang samahan at pag kakaisa nuong
kanilang kapanahunan. ibinenta din daw
ang mga halaman ng tag isang libo ang isa sa isang pribadong tao.
Sa panayam ng Spiritfm news kay, Dimanpudso
brgy kaptain Marivic Mendoza na , Hindi naman naging masama ang kanilang hangarin sa pag sira ng mga flowerbox
na inambag ng kababihan, sa katunayan
daw ay mas pagagandahin pa nila ang naturang Flower box upang mas kaaya aya sa
mga dumaraang motorista maging sa mga residente sa kanilang brgy, hindi naman
aniya tatangalin ang mga pangalan ng mga
kababaihan na nag ambag sa flower box, mas maliit naman daw ang kanilang iuukit na
pangalan kumpara sa dati nitong nakaukit na pangalan ng nag am bag.
Kaugnay nito na malaking perwisyo na rin daw
ang dulot ng mga lumang flower box, sa mga motorista dahilan sa may kalapitan
ito sa kalsada at malalaki narin daw ang mga nakatanim na umaabot na sa kable
ng Kuryente na posible pang pagmulan ng aksidente.
(Spirit FM News)
Comments
Post a Comment