14 MILYONG PISO ILALAANG PONDO PARA SA WATER SYSTEM SA BAYAN NG BALER AURORA

Nag laan ang pamahalaang Bayan ng Baler Aurora, ng P14 milyon Piso mula sa Department of Interior and Local Government Office (DILG) para sa pagsasaayos ng Water system sa Bayan ng Baler Aurora, upang tugunan ang suliranin ng pamahalaan sa kakulangan ng supply ng tubig ng naturang Bayan.

Itoy matapos makaranas ang ilang residente sa Bayan ng Baler, ng kakulangan ng supply ng tubig sa mga kabahayan dahilan sa nararanasang mainit na panahon.

Sa panayam ng Spirit FM News kay Baler Municipal Mayor Nelianto “Pilot” Bihasa, malaki parin ang kakulangan  ng pondo para ganap na maayos at mapakinabangan ng karamihan ang pagsasaayos ng supply ng tubig sa kaniyang nasasakupan.

Kailangan din umano na pagaralang mabuti, ang naturang proyekto para sa pang matagalang sulosyon, upang hindi masayang ang pera ng taong bayan na inilaan sa nasabing proyekto.

Samantala patuloy parin silang nag hahanap ng mga Foreign and Local Investor upang maibsan ang suliranin sa kakulangan ng supply ng tubig sa Bayan ng Baler habang nangako naman si Governor Gerardo Noveras na tutulong ang Pamahalaang Panlalawigan para sa Proyekto ng nasabing bayan. 

News Writer:  Norman Joe Taruc
Date: September 30, 2016
Time Published: 11:45:32 AM

Comments