Bahay Pagbabago, Sinimulan sa Bayan ng Dipaculao Aurora.

Sinimulan nitong martesang Reformation Program sa 30 nag sumite ng sangkot sa iligal na droga sa bayan ng Dipaculao Aurora,

Pinangunahan ni PSenior Inspector Ullyses Jastiva at  dipaculao Mayor Joana Wilma Salamanca.

Titira sa bahay pag-babago ang tatlumpung nag sumite ng sangkot sa ipinagbabawal na gamut sa loob ng dalawampung araw upang hubugin ang mga nagging biktima ng ipinagbabawal na gamot, para talikuran ang paggamit at pagtutulak ng iligal na droga, ito’y sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad na nakalaan sa nasabing Programa ng Philippine National Police.

Labis naman ang pasasalamat ni Jastivasa mga official ng pamahalaan na mabilis na natugunan ang kanilang mga pangagailangan para sa mga gastusin ng kanilang programa.
Bigyang diin din ni jastiva saharap ng mga official at biktima ng ipinagbabawal na gamut ang salitang (kung sama-sama Kayang kaya) .

Ayon kay PSenior Inspector Ullyses Jastiva ito kasi ang mabilisang solusyon upang labanan ang mabilis na pagkalat ng mga sangkot sa iligal na droga, upang mapagtagumpayan ang programa para sa mga biktima ng iligal na droga.

Sagot din ng pamahalaang bayan ng Dipaculao Aurora ang mga pangangailangan ng mga Drug surenderee sa loob ng bahay pagbabago, habang nag laan naman ng tag isang libong piso ang pamahalaan sa pamilya ng mga sasailalim sa reformation Progam.

News Writer: Norman Joe Taruc

Date: 09-29-2016
Time Published: 2:54:52

Comments