Nasungkit
muli ng pamahalaang Bayan ng Baler Aurora ang ikalawang pwesto sa isinagawang Gawad Punong Lalawigan Para sa Kapaligiran 2016, na ginanap sa PDRRMO Multi Purpose
Building Brgy Suklayin Baler Aurora nitong miyerkules (Sept. 28, 2016).
Itoy
matapos paigtingin ng Municipal
Environmental and Natural Resource
Office, (MENRO Baler) na maghigpit na pinagbabawal na mag kalat, mag
tapon,Magtambak at mag sunog ng Basura bilang pagsunod sa municipal Ordinance 2008-01
o maskilala sa tawag na Comprehensive Solid Waste Management Ordinance.
Nag
paskil din ang ilang mga Brgy Official ng mga slogan na may kaugnayan sa pangangalaga
sa kalikasan, sa kanilang nasasakupan bilang paalaa sa mamayan ng baler aurora
para , sa wastong pamamahala ng basura.
Nag
lagay din ang mga Brgy Official, ng Material Recovery Facility, (MRF), sa bawat
Brgy.
Sa
panayam ng Spirit FM News kay Baler Municipal Mayor Nelianto “Pilot” Bihasa, mag
lalaan din ng pondo ang pamahalaan ng bayan para pambili ng makina na Biological
Drying para sawastong pagproproseso ng
basura.
Labis
naman ang pasasalamat, ni Menro Liza Costa, sa mga nakiisang Brgy Official para
sa pag papanatili ng pang kalinisan sa bayan ng Baler Aurora.
News Writter: Norman Joe Taruc
Date: September 30, 2016
Time Published: 11:42:45 AM
Comments
Post a Comment