KARERA NG MOTORSIKLO, IKINABABAHALA NG ILANG MOTORISTA SA BAYAN NG MARIA AURORA.

Kinababahala ng mga motorist sa bayan ng Maria Aurora Aurora ang palagiang pagkakarera ng single na Motorsiklo sa pambansang lansangan sa Brgy. Detailen ng nasabing bayan, sangkot ang mga mag aaral ng Mount Carmel School of Maria Aurora, ilan sa mga ito ay mga Minor di edad.

Mabilis  magpatakbo, walang suotna Helmet at binabago ang itsura ng motorsiklo na gamit sa pagkakarera ng mga nasabing kabataan habang tinatayang nasa edad labing anim ang ilan sa mga ito.

Ibat ibang Reaksyon naman ang naramdaman ng mamayan ng Aurora, matapos ipost sa social media ang iligal na aktibidad.

Sa panayam ng Spirit FM News sa nakakita ng motorist na si Marielou Rivera tumawag narin siya sa tanggapan ng Pulisya ng Maria Aurora upang pigilan ang iligal na aktibidad ng mga kabataan, maari daw kasi na ito ang maging sanhi ng aksidente sa lansangan, at madamay ang iba pang motorist na maingat na nag mamaneho ng kanilang sasakyan.

Panawagan naman nito sa mga magulang ng mga nasabing kabataanna laging paalalahanan ang kanilang mga anak, satuwing uuwi ng kanilang bahay.

News Writer: Norman Joe Taruc
Date: September 30, 2016
Time Published: 11:47:36

Comments

  1. naku mga kabataan talaga ou!tsk di yan titigil mga yan gang wala pa namamatay!Sakit.info

    ReplyDelete

Post a Comment