Pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and
Management Council MDRRMO Maria Aurora ang isinagawang Pagyanig Challenge o
Nation Wide Simultaneous Earth Quake Drill
sa mga kawani ng pamahalaang Bayan ng Maria Aurora.
Eksaktong alas Nuebe ng umaga kahapon, sabay-sabay na
nag labasan sa gusali ng pamahalaang bayan ng Maria Aurora ang mga kawani ng
pamahalan,kasabay ang malakas natunog ng Rescue Vehicle at sasakyan ng
Bumbero, na pinangunahan ng mga kapulisan
at mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) upang alalayan ang mga ito sa paglabas
ng gusali sakaling maganap ang mga hindi inaasahang sakuna tulad ng lindol at
sunog.
Tatlong pamamaraan din ang itinuro ng mga kawani ng
BFP para sakanilang kaligtasan tulad ng Duck Cover And Hold upang maiwasan na masaktan
sa oras ng sakuna,
Ipinaalala din sa mga ito na huwag mag panic bagkus lagging
tandaan ang tatlong pamamaraan para sa kanilang kaligtasan.
Ayon kay SPO4 Alfredo Corpuz ,pangunahing tandaan ang kaligtsan
sa oras ng sakuna, huwag din kalimutan ang mga natutunan para sa kaligasan ng
sarili. Sikapin din umano na ituro sa mga kasama sa bahay ang mga natutunan sa naturang
aktibidad.
News Writer: Norman Joe Taruc
Date: 09-29-2016
Time Published: 2:56:20
Comments
Post a Comment