8 BAYAN SA AURORA, SUMABAK SA 2019 DIVISION ESP FESTIVAL OF TALENTS AND VIRTUES




Naglunsad ng isang araw na aktibidad kaugnay sa  2019 division ESP festival of talents and virtues ang lalawigan ng aurora.
Photo Credits : Kirsten Chloe Olea Ampatin

Ito ay nilahukan ng walong bayan sa probinsiya na ginanap sa paaralan ng  Baler National High School.
Ang aktibidad ay tagisan ng husay at galing sa mga paligsahan hingil sa Slogan Making Contest,
Collage Making Contest  at Sine ng Pagpapakatao contest na taglay ang temang Talento at pagpapakatao: Susi sa paghubog ng Responsableng Pilipino.

Layunin ng gawaing ito na maipakita ang talento ng mga piling mag aaral sa mga paaralan sa aurora ng sa gayon ay mas makilala ang kapasidad at kakayanan pagdating sa mga nabangit na kompetisyon.
Sa huli ay binigyang parangal ang mga nanalo na kung saan ang mga mag aaral ng Lual national high school na pambato ng  casiguran dristrict ay masungkit nito ang pagka kampeon sa  Collage Making Contest habang

1st Runner Up  naman sa pangkalahatang resulta.Kaya naman laking tuwa ng mga guro at tagapayo ng nasabing paaralan dahil sa magandang resulta ng nasabing kompetisyon.
Nagpasalamat din ang principal nito na si Sir  Joel S. Amon sa mga kaguruan at mga magulang sa suporta para sa mga kahalintulad nitong paligsahan.

--End

GEORGE BALBERO

Comments