ILANG ESTABLISYIMENTO SA BAYAN NG DINGALAN IPINASARADO DAHIL SA KAWALAN NG MGA DOKUMENTO

Nasampolan na ng pamahalaang lokal ng Dingalan,Aurora ang ilang negosyante sa nasabing matapos na ipasara ang kanilang mga istablisimyento dahil sa kawalan ng sapat na dokumento.

Maliban sa mga nagmamay -ari at regular na parokyano ng dalawang Videoke Bar na ipinasara sa bahagi ng Barangay Aplaya ay ikinatuwa naman ng maraming mamamayan ang ginawang pagpapahinto sa operasyon ng mga ito dahil bukod umano sa pinagmumulan ito ng awayan ng mag asawa ay ang ganitong klase ng mga lugar din daw ang madalas na pinagmumulan ng mga kaguluhan dahil sa mga lasing.

Batay sa naging rekomindasyon ng binuong Joint Special Inspection Team ng pamahalaang bayan ng Dingalan, napag alaman na bukod sa walang Permit to Operate ang nasabing mga videokehan ay wala din umanong Medical Health Permit ang mga tauhan ng nasabing istablisimyento.

Malinaw kasi sa naging direksyon ng pamahalaang bayan na higit na mahalaga ang kapakanan ng nakararami,kaysa sa interes ng iilan.

-End
FERDINAND PASCUAL


Photo Credits: JC Photo

Comments