ILANG MARKET VENDOR SA CASIGURAN, NATUWA SA DIREKTIBA NG DILG NA TANGALIN ANG BAN SA PROCESSED MEAT PRODUCTS



Laking tuwa ng ilang market vendor dito sa bayan ng casiguran ng makapanayam kahapon (October 16, 2019) ng CMN News hingil sa kung anong reaksiyon ng mga ito sa payahag ni DILG Secretary Eduardo Año na tangalin ang ban sa mga pork processed meat products sa mga LGU'S sa bansa. Sinabi ng mga ito na dapat nuon pa ginawa dahil malaking kabawasan daw sa kanilang kita ang nangyaring pag harang sa mga pork processed meat products. Matatandaan na ipinagbawal noong nakaraang buwan sa probinsiya ng aurora ang pagpasok at pagbebenta ng mga pork at pork products dahil sa African Swine Fever o ASF. Kaya naman lahat ng entry point ng probinsiya maging ang mga LGU's ay naglagay ng checkpoint para mag monitor at manghuli ng mga ipinagbabawal na produkto. Kahapon ay naglabas ng isang kautusan ang DILG ng pag lift sa ban vs pork processed meat products. Ang direktiba ay ipinalabas ni DILG Secretary Eduardo Año at sinabi nito na wag nang harangin ang mga processed meat products dahil sa pagkalugi ng mga kumpanyang nagbebenta ng mga apektadong produkto. Gayunman nilinaw ng opisyal na dapat may aprobal parin sa FOOD DRUG ADMINISTRATION( FDA) ang mga ibinebentang processed meat products sa palengke o mga pamilihan. Ipinaliwanag din ni Año na binigyan nito ng excemption ang mga processed meat products upang hindi magkulang ang supply nito ngayong darating na kapaskuhan. Wala pang pahayag ang Municipal Agriculture office ng casiguran patungkol sa naturang direktiba ng DILG Secretary.

End

George T. Balbero - Aurora Province
09070167902

Comments