Hulog sa Drug Buy bust Operation ng Pulisya sa bayan ng Dingalan,Aurora ang isang pinaghihinalaang tulak ng shabu na kasama sa talaag ng mga drugs Surrenderer.
Hindi na nakapalag pa ang suspect na si Jaypee Ciano ng Barangay Caragsacan matapos na ito salakayin ng Pulisya sa harap mismo ng kanilang habang nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot.
Ayon kay PCPT Eduardo Mendoza Jr. Hepe ng Dingalan Municipal Police Station, matagal na umanong minamanmanan ng tropa ng pulisya ang suspect na si Ciano at hindi rin daw sila nagkulang ng paalala dito na tigilan na ang pagbebenta at paggamit ng iligal na droga subalit binalewala lang daw ito ng suspect.
Narecover sa Suspect ang isang pirasong heat shield tranparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu at isang bente pesos (P20) na papel at limang daang piso (500) na ginamit ng otoridad bilang marked money.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng ginawang pakikipag tulungan ni Caragsacan Barangay Captain Victor Maneja, Media mula sa Spirit Fm-Cmn Baler at suporta ng pamahalaang lokal ng Dingalan sa pamumuno ni Mayor Shierwin Taay.
Ang naarestong suspect ay nasa kandili ngayon ng Municipal Jail ng Dingalan at nakataktang ilipat sa panlalawigang piitan ng Aurora sa araw ng Lunes, habang dinidinig ang kasong isasampa na may kaugnayan sa pagkakasangkot nito sa operasyon ng iligal na droga.
Samantala iginiit naman ni PCPT Mendoza Jr. na hindi dahilan ang deklarasyon sa pagiging drug cleared ng bayan ng Dingalan upang tumigil ang Pulisya na bantayan at pangalagaan ang taong bayan laban sa ipinagbabawal na gamot, pero kinumpirma nito na kontrolado nila ang buong kabayanan at hindi sila magsasawang tugisin ang sino man na gagawa ng krimen lalo na ang paggamit at pagbebenta ng iligal na droga.
END
Ferdinand Pascual

Comments
Post a Comment