MENRO BALER,MULING NAKA KUMPISKA NG NASA 266 BDFT NA TABLON


Muling naka kumpiska ng mga hinihinalang ilegal na tablon ang MENRO - BALER na pinamumunuan ni MENRO OFFICER Maria Liza Costa.
Nakumpiska ito ng kanyang mga inspeksiyon team habang nagpapatrolya sa kabundukang sakop ng sitio dicaloyungan ng barangay pingit dakong alas tress y medya ng hapon kahapon.
Ang mga nakumpiskang tablon ay tinatayang may sukat na 266 bdft na nasa pangangalaga ngayon ng lokal na pamahalaan.
Dahil dito ay patuloy ang panawagan ng LGU MENRO BALER sa mga mamamayan nito na wag matakot o mag atubili na isuplong sa otoridad para mahuli ang mga salarin na gumagawa ng kalapastanganan sa kabundukan ng baler.
Sinabi naman sa cmn news ni Rabbi John T. Angara na siyang Environmental Inspector team leader na hindi sila titigil hangat hindi natutuldukan ang naturang usapin at pagbabayarin ang sinumang mapatunayan na may sala at papatawan ng kaparusahan batay sa anti illegal loging act.
End
George T. Balbero - Aurora Province
09070166902

Comments