PROVINCIAL VETERINARIAN OFFICER SILVESTRE, NAGPAHAYAG NA NEGATIBO SA ASF ANG AURORA

Photo Credits: https://www.porkbusiness.com/article/asf-takes-toll
Negatibo sa African swine fever o ASF ang probinsiya ng aurora.

Ito ang tahasang inihayag ni  Dr Angelo Silvestre ng Provincial Veterinary Office  sa  harap ng plenaryo ng Sanguniang panlalawigan sa ginanap na regular Session sa kapitolyo.

Kaya raw wala umanong dapat ipangamba ang mga mamamayan ng aurora partikular ng mga hog raiser sa probinsiya na direktang target ng naturang virus.

Pero dahil  sa utos umano ni aurora  Governor Gerry Noveras sa kanilang tangapan  na maglagay ng mga Checkpoint sa mga entry point sa lalawigan ang isa sa mga nakikitang epektibong paraan kung kayat ligtas parin at negatibo ang aurora sa ASF virus.

Dito pa lamang daw kasi ay masusi nang sinisiyasat ang mga traders at supplier ng baboy at meat product na kung saan ay agad na pinababalik ang mga walang kaukulang dokumento o permit o di kaya ng Meat Inspection Certificate.

Samantala ay sinabi din nito na negatibo sa ASF virus ang mga nangamatay na baboy sa mga bayan ng san luis at baler na una nang napaulat.

Ayon kay Dr. Silvestre na Aabot naman umano sa mahigit 50 libong piraso ng baboy ang nasa Aurora at 7% sa mga ito ay kinakatay mula sa lalawigan.

Nagpapatuloy naman ang kanilang tangaapan para sa mas maigting na pagiinspektion sa mga pamilihan sa tulong ng mga local pamahalaan.

END

George Balbero

Comments