TINDAHAN AT MGA ROLLING STORE NA NAGBEBENTA NG MGA PRODUKTO MULA SA KARNENG BABOY, ININSPEKSYON UPANG MATIYAK NA LIGTAS ANG MGA ITO SA ASF

Isinakatuparan na rin ng Barangay Inspection Team ng Barangay Ibona sa bahagi ng timog Dingalan ang pag iinspeksyon sa lahat ng mga tindahan at rolling store sa lugar na posibleng nagtitinda ng mga produktong gawa sa karneng baboy.

Ayon kay Ibona Barangay Captain Jay ar Madrid Bugtong Balala,  ang ginawa nilang pag iinspeksyon ay upang matiyak na ligtas sa African Swine Fever o ASF ang mga baboy doon at hindi rin kontaminado nito ang mga karneng ibinibenta sa kanyang nasasakupan, partikular na yaong mga tulad ng Longganisa,  tocino at iba pang frozen products na nanggagaling pa iba't ibang bayan ng karatig lalawigan.

Kasabay ng nasabing pagsusuri ay pinayuhan na din ng nasabing grupo ang lahat ng residente doon at mga negusyante na mag ingat sa ASF na bagamat wala pa naman sa ating lalawigan o sa bayan ng Dingalan ay kumpirmado naman ang paglaganap nito sa iba't ibang mga lugar

Ang nasabing hakbang ay hindi lang upang mapangalagaan ang kalusugan ng bawat naninirahan sa lugar, kundi para na rin mabigyang proteksyon ang mga alagang hayop, paryikular na yaong may mga babuyan na syang pinagkukunan ng kanilang kabuhayan.

END

Ferdinand Pascual

Comments